SUERTRES LOTTO FORUM
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

SUERTRES LOTTO FORUM

DISCUSSION ON SUERTRES STRATEGY
 
PortalHomeSearchLatest imagesRegisterLog inPublications
=There's only one way to succeed in anything and that is to give everything=........."BET WHAT YOU CAN AFFORD TO LOSS... GOOD LUCK"............Getting rich is a fight; make no mistake about it. [ Happy Winning...(320-720) (854-651) (863-964) (910-610)]

 

 BREAST CANCER

Go down 
AuthorMessage
Admin
Administrator
Administrator
Admin


Posts : 3990
Reputation : 42
Join date : 2009-07-31
Location : Metro Manila

BREAST CANCER Empty
PostSubject: BREAST CANCER   BREAST CANCER I_icon_minitimeJune 26th 2015, 8:27 am

BREAST CANCER 988953_901919323162121_8907292660489265024_n

BREAST CANCER 10509717_901919319828788_3495273009135577274_n

WALANG MAWAWALA KUNG MAAGA PALANG ALAM MO NA KAYSA NAMAN SA HULI MO PA MALALAMAN PAG MALALA NA..
HEALTH ALERT!!!!!!!
MGA KARAGDAGANG KAALAMAN TUNGKOL SA BREAST CANCER



Ang breast cancer o kanser sa suso ang nangunguna ngayong kanser sa babae sa Pilipinas. Naungusan na nito ang lung cancer. Tinatayang 3 sa bawat 100 pinay ang maaaring magkaroon ng breast cancer at 1 sa bawat 100 Pinay naman ang pwedeng mamatay dahil dito.


Ang Pilipinas ang may pinakamataas na kaso ng breast cancer sa ...Asya. Ang malungkot, napakababa ng survival rate sa breast cancer dito sa bansa. Kwarenta porsyento o 40% lamang kumpara sa 80 to 98% sa mauunlad na bansa.

Ano ang nangyayari kapag may kanser?
Ang ilang pagbabago sa ating DNA ay nagiging sanhi upang ang ating normal na selyula sa suso ay maging cancerous. Ang DNA ay ang kemikal sa bawat selyula na bumubuo sa ating genes – ang nagbibigay ng direksyon kung paano kikilos ang selyula sa katawan.


Mayroong genes na kumokontrol kung kailan lalaki, maghihiwalay at mamamatay ang ating selyula. Ang ibang genes na napapabilis ang cell division ay tinatawag na oncogenes. Ang iba namang genes na nakakapagpabagal ng cell division o sanhi ng pagkamatay ng selyula ay tinatawag na tumor suppressor genes.


Ang kanser ay maaaring dahilan ng pagbabago sa ating DNA. May kakayahan itong buksan o isara ang oncogenes at tumor suppressor genes.
Halos 5 hanggang 10% lamang ng kanser ang sanhi ng abnormalidad na minana mula sa magulang. Nobenta porsyento o 90% naman ng kanser sa suso ay dahil sa genetic abnormalities na nangyayari resulta ng pagtanda at ang tinatawag na “wear and tear” ng buhay sa pangkalahatan.


Dalawang klase ng Tumor

• Malignant - ang bukol o tumor na cancerous
• Benign - hindi masama, hindi kumakalat at hindi sumisira sa katawan


Sino ay may panganib magkaroon ng kanser sa suso?
• Babae, lalo na ang edad 40 pataas
• May lahi ng breast cancer sa pamilya
• Maagang nagkaroon ng regla
• Hindi pa nagdadalantao
• Gumagamit ng Hormone Replacement Therapy (HRT) at oral contraceptives
• Nakaranas ng radiation sa dibdib at mukha dahil sa gamutan ng ibang sakit
• Sobrang mataba na may 25 Body Mass Index (BMI) pataas
• Umiinom ng alak at naninigariyo
• Kulang sa ehersisyo
• Kulang sa Vitamin D
• Mga nagtatrabaho sa gabi dahil sa exposure sa ilaw
• Exposed sa iba’t ibang kemikal mula sa cosmetics, pagkain, plastic, tubig, atbp.


Mga Palatandaan
• Bukol na kalimitan ay matigas at di pantay ang hugis
• Pagbabago sa laki at hugis ng suso
• Hindi pangkaraniwang discharge sa utong
• Nagmumukhang balat ng dalandan ang paligid
• Paglaki ng kulani sa leeg o kilikili
Ano ang dapat gawin kung may bukol sa suso?
• Kung ang bukol ay isang suso lang, obserbahan rin ang kabila.
• Kung di mawala pagkatapos ng regla, komunsulta na sa doctor.
• Iwasang maunahan kayo ng takot. Ang maagang pagpapasuri ay isa sa mga sikreto ng tagumpay na gamutan.


Pagsusuri ng Suso
Step 1. Humarap sa salamin at tingnang mabuti ang inyong suso. Idiretso ang mga balikat habang nasa balakang ang mga kamay. Tingnan kung may pagbabago sa sukat, hugis at kulay.
Step 2. Itaas ang mga braso at tingnan muli kung may kakaibang pagbabago.
Step 3. Suriin kung may lumalabas na likido sa utong. Maaari itong tubig, parang gatas, madilaw o may dugo.
Step 4. Humiga at damhin ang inyong kaliwang suso gamit ang kanang kamay at gamitin naman ang kaliwang kamay sa kanang suso.
Step 5. Tumayo o umupo at damhin ulit ang inyong dibdib. Pinakamainan gawin ito sa banyo. Maaaring basain at sabuhin para mas madali ang pagkapa.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsusuri ng Suso
• Ugaliing ang pagsusuri isang beses isang buwan ilang araw pagkatapos ng regla.
• Kung hindi na nireregla, pumili ng araw na madaling tandaan, halimbawa una o huling araw ng buwan
• Huwag mataranta kung may nakapang bukol. Karamihan ng babae ay madalas magkaroon nito.
• Suriing mabuti ang paligid ng suso – baba’t taas pati na ang parteng malapit sa kili-kili.
• Gumawa ng journal at ilista lahat ng obserbasyon tuwing magsusuri.
• Pinakaimportante, maging pamilyar sa inyong suso para makita agad ang mga pagbabago


Gamutan
“Ang treatment of breast cancer, initially, is surgical. Now, kung indicated ang chemotherapy, susunod ‘yan, then kung kailangan ang radiation treatment or radio therapy. Kapag nakita ang kanser sa early age, curable pa yan. Breast cancer is like a house on fire. Kapag maliit, pwede pa. Kapag buong bahay na, walang magagawa,” ayon kay Dr. Erwin Alcazaren, Surgical Oncologist sa The Medical City.


Mga Kadalasang Tanong
Nagka-cancer ba ang mga lalaki?
Dr. Erwin Alcazaren: Ang lalaki kasi because of the hormonal responses in the development of the breast, di nagkakaroon ng globules at saka yung kanilang ducts, lumiliit. Although, kung meron syang genetic component na heriditary, pwede syang magka-breast cancer. Usually yan ang namamana.
Naka-cancer ba ang contraceptive pills daw na ginagamit ng mga babae at homosexuals?


Dr. Erwin Alcazaren: No, there’s no evidence.
Kapag ginalaw ang cancer, lalo raw nakamamatay?
Dr. Erwin Alcazaren: Hindi totoo yan.
Ang cyst ba ay cancerous?
Dr. Erwin Alcazaren: Ang simple cyst hindi nagiging cancer pero maaari itong tubuan ng cancer


Doc, paano kapag nagpa-opera, nawawala sa porma ang suso?
Dr. Erwin Alcazaren: May new techniques na ngayon. Tulad ng Breast conservation surgery. Hindi na kailangang matanggal ang breast ng isang babae especially kung ma-detect nang maaga. Let’s say Stage 1 or Stage 2. Ang ginagawa, tatanggalin ang kulani para malaman kung merong kalat sa kulani. Even ang pag-sample ng kulani, meron ngayong tinatawag na Sentinel lymph node biopsy -- ito ang unang kulani kung saan pumupunta ang cancer, sa parteng kili-kili ito. Kapag na-biopsy yun at lumabas na negative for cancer, di na kailangang tanggalin pa ang ibang kulaning nasa kili-kili.
Back to top Go down
https://suertres.forumotion.com
 
BREAST CANCER
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
SUERTRES LOTTO FORUM  :: Health & Safety Guide-
Jump to: