SUERTRES LOTTO FORUM

DISCUSSION ON SUERTRES STRATEGY
 
HomePortalCalendarFAQSearchUsergroupsRegisterLog in
=There's only one way to succeed in anything and that is to give everything=........."BET WHAT YOU CAN AFFORD TO LOSS... GOOD LUCK"............Getting rich is a fight; make no mistake about it. [ Happy Winning...(320-720) (854-651) (863-964) (910-610)]

Share | 
 

 GUIDE ON HOW TO SURVIVE DUTERTE'S "MARTIAL LAW"

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Admin
Administrator
Administrator
avatar

Posts : 4087
Reputation : 41
Join date : 2009-07-31
Location : Metro Manila

PostSubject: GUIDE ON HOW TO SURVIVE DUTERTE'S "MARTIAL LAW"   May 12th 2016, 8:59 pm

A GIMIKERO'S GUIDE ON HOW TO SURVIVE DUTERTE'S "MARTIAL LAW"... BY WARDY PUYOD


To our friends na mahilig mag-gimik at hindi pa alam ang mga ordinance sa Dabaw na maaaring ipapatupad ni Digong nationwide, consider this as your SURVIVAL GUIDE to this so called Martial Law Regime:


LIQUOR BAN

In Davao City, Liquor Ban starts at 1AM. Sa mga establishments, the waiter will announce last order at around 12:30AM. Usually lalapit na yan sa mga tables at magtatanong kung mag-oorder pa ba kasi last order na.

At 1AM di na pwede makabili ng alchoholic drinks pero pwede pa magorder ng softdrinks and juices pang-washing. So paglast order na at 1230, dapat orderin mo na ang sa tingin mo na maconsume mo sa kalahating oras. Ang mga establishments ay mag-close at around 2AM.

Sa convenience stores ganun din, di na sila pwede magbenta ng alak starting 1AM. Pero of course open pa sila para magbenta ng ibang produko. So bumili ka na lang ng cup noddles or coffee para mawala ang pagkalasing mo.

Survival Tip 1 - maaga kang gumimik. Kung pwede happy hour pa lang nandun ka na!

SERVING LIQUOR TO MINORS

Bawal din magserve ng liquor sa mga minors. May mga establishments din kung saan bawal papasukin ang mga minor de edad. Sa entrance pa lang ng bar ang mga bata ay hinihingian ng ID upon entry. Malas mo kung kulang ka sa height at baby face. Baka mapagkamalan kang minor at di papasukin sa bar kung wala kang dalang ID.

Survival Tip 2 - Maghintay na nasa tamang edad and always bring an ID para sa mga baby face. Yung mga pabebeface, di na kayo tanungin nyan kung minor pa kayo.

SA BAHAY NA LANG

Alternatively, you can buy alcoholic drinks earlier and consume them inside your house magdamag pero bawal sa kanto-kanto or sa labas ng bahay.

At least kung sa bahay ka lang puwede ka mag-drink all you can kahit magdamag. Wala pang entrance fee. Yung mga bisita mo na lang ang singilan mo ng entrance fee...tawagin mong "AMOT".

Survival Tip 3 - Yung ayaw umamot wag papasukin

KARAOKE BAN

If you plan to have a drinking session sa bahay at gusto niyo magpatugtug ng music, you have to regulate the volume because of the Noise Regulation law. Dapat hindi magreklamo ang mga kapitbahay.

Pwede pa naman magkaraoke pero make sure hindi nakakabulabog sa kabilang bahay. Kung ang kapitbahay nyo ang maingay at hindi nagpapaawat sa request niyo na kung pwede hinaan ang volume, pwede kayo tumawag sa 9-11. Sila na ang magsita at magmulta sa kapit bahay ninyo in your behalf. Kapag papunta na ang mga pulis, kantahan mo na sila ng "And now...the end is near..."

Solusyon? Magheadphones ka habang nagkakaraoke...

SMOKING BAN

Smoking can be done in designated smoking areas only, para yung mga nag-yoyosi maihiwalay sa mga non-smokers. Usually sa mga call centers may naka-cordion na area at may ashtray. Kung gusto mo magyosi sa isang establishment, always ask kung meron bang designated smoking area. Kung wala, pasensya na lang.

Parang P10,000 yata ang multa sa nahuhuling nagyoyosi sa non-smoking areas. Yan yung nabalitaan na amount na binayad ni Ellen Adarna eh. Balita namin ay ang collection nito ay dinodonate ni Digong sa pagamutan ng mga batang may cancer.

Kung hindi ka naman nag-yoyosi, eh ba't ka naman magrereklamo?

Solusyon? Quit smoking...

IMPLEMENTATION

To ensure implementation, police are regularly roaming the establishments. Yung establishments na hindi sumusunod minimultahan at eventually pinapasara. Thats how strict it is here so kung ayaw mo mawala negosyo mo, wag kang lalabag sa batas. Thats why ang mga empleyado mismo ng bar ang nag-iimplement nito, or else mawawalan sila ng trabaho.

Sa totoo lang, maraming establishments ang nagsara dito dahil nalugi daw sila sa liquod ban. Bumaba daw ang sales nila. Pero marami rin naman ang pumalit sa kanila. Buhay pa rin naman ang night life sa Davao, pero nagsisimula ito as early as 8:30PM.

Yung iba pinapagsamantalahan yung "HAPPY HOUR! From 5:00PM to 7:00PM, 30% discount on all beers!"

Solisyon? Mag-happy hour...

PARA SA MGA MUSIKERO

Kapag tumutugtug kami, first set ay magsisimula usually at 830PM kasi may tao na by that time and ang last set ay natatapos by 1AM. Minsan kahit marami pang tao at ang sarap pa sana mag-extend ng gig, we have to follow the law kaya bago magsara ang bar ay wrap up na kami.

So kung ikaw ay musikero at maraming fans ang naghihintay sa iyo after ng gig mo, mas mahaba pa ang time mo for socialization. Kung wala kang fans, umuwi ka na lang at magpa-electric fan.

SO WHAT NOW?

Siguro ang question niyo is "Eh ano ang gagawin namin kung closed na ang bar at gusto pa namin gumimik?".

Simple lang...umuwi na kayo at matulog. Or alternatively, pwede kayo pumunta ng 7-11 para mag-washing. Order ng non-alcoholic drinks at magkwentuhan. Or kung grupo kayo, tambay na lang kayo sa isang bahay after gimik at dun na lang kayo magkwentuhan magdamag.

Usually after gig or gimik, ang ginagawa namin ay kumakain kami sa TAPS.

(Dear Taps, kapag ito ay naging viral at maraming kakain sa inyo, dapat bigyan niyo ako ng free meal forever)

DRUNK DRIVING

Kung lasing ka na at pauwi na at kailangan magmaneho, try your best na hindi magmumukhang minamaneho ng driver na lasing ang sasakyan mo kasi may mga checkpoints around the city na may breath analyzer. Kapag napara ka at bumagsak ka sa test, multa at embargo ng lisensya ang aabutin mo. Iba pa yung multa ng misis. Mas matindi pa ang ordinance and sanctions nun kaysa sa gobyerno.

DECEMBER GIMIKS IN THE STREET

Hindi katakutan ang mag-gimik at gumala sa kalsada tuwing Xmas and New Year season, kasi aside sa regulated ang inuman at yosi, hindi ka matatamaan ng paputok. So makakanta ka pa rin ng "Sampung Mga Daliri...". So ano gawin pag-magcelebrate sa December? Usually ang mga taga-Dabaw bumibili ng tororot. If not, kumukuha ng kaldero. Kung gusto mo talaga manuod ng fireworks, search ka na lang ng video ng may fireworks sa YOUTUBE.

MY PERSONAL INSIGHTS SA GIMIK SA METRO MANILA

I was in a bar last year sa the Fort. Weekday yun and then 2:30am na. Nakikisama sa ibang mga kaibigan pero antok na antok na ako. May nakita pa akong mga yupee na nag-iinuman. Yung iba naka uniporme pa na pang-opisina. Hindi naman holiday kinabukasan pero nag-iinuman pa. Then I wondered, itong mga taong ito ay kailangan pang umuwi, matulog, at pumasok ng maaga sa opisina...how do they manage?

I also had a chance to go to a very popular club in Manila in a weekend, at 3:00am, may mga pumapasok pang mga tao. Yung iba para ngang bagong ligo pa at ngayon pa lang gigimik. I noticed a group of females na heavy ang make up and exhibiting drunken behavior. Nung tiningnan ko ng mabuti...aba...parang mga 15 year old lang yata to ah...di lang mahalata dahil sa make up. At nilalapitan na ng mga aktor na pogs pogs na nasa 30s na siguro. Siyempre lasing na kaya nagsisimula na ang landian...so naisip ko, alam kaya ng mga nanay at tatay nila na nandito sila at kung ano ano ang kanilang ginagawa? Baka nagpaalam lang na mag-over night sa bahay ng barkada tapos nagsibat lang pala.

Not that I am condemning Manila nightlife, pero I think there should be limits as to what minors should be exposed to. I had my hayday when these ordinances where not in place yet, pero lagi ako pinagsasabihan ng mga magulang ko kasi worried sila sa safety ko. I think this goes true sa lahat ng mga magulang na nagbabasa ng post na ito.

SA MAKALUSOT LANG

Sa totoo lang, minsan may nakakalusot din naman sa mga ordinance na to, pero most of the time sinusunod talaga ito. Kung baga, sa makalusot lang. Pero generally, wala namang nagrereklamo tungkol dito. Otherwise, di na siguro namin binoto si Digong for 3 straight decades no?

MARTIAL LAW?

So tell me, is this Martial Law? For me these ordinances are basic and reasonable. There is a time and place for everything. A time and place for drinking, smoking, and resting. So these ordinances simply promote responsibility for taking care of ourselves, our children, and our fellowmen.

Kung tutuusin, its not really that bad di ba? Hindi naman tayo sinabihan na wag mag-gimik eh, kasi tayong mga Pilipino ay ang pinaka-sociable human beings sa balat ng lupa. Mahilig talaga tayo mag-gimik, wheather coffee-coffee, kainan, or inuman...gimik yan!

SAFEGUARD AND SHIELD BATH SOAP

Its just that may mga SAFEGUARDS lang na kailangan i-install with regards to liquor, cigarette smoking, and curfew for minors para maging responsable tayo sa mga ginagawa natin...at dahil sa mga ordinances na to ay magsanga-sanga na ang iba't ibang mga simpleng pagbabago na mangyayari sa ating lipunan.

Simple lang yan, how can the government SHIELD and protect you kung may mga gumagalang lasingerong wala sa sarili sa lansangan? How can the government protect your kids kung unli-gala sila magdamag at bebentahan pa ng alak ng mga establishments?

AND LASTLY, CURFEW...

Curfew is only for unaccompanied minors. At 10pm bawal na gumala ang mga minor na walang kasamang guardian.

Kung ikaw na bumabasa nito at ikaw ay minor de edad at agrabyado sa mga batas na to, lumipat ka na lang sa ibang bansa kung saan hindi bawal ang magbenta ng alak sa minor de edad. Kung may mahanap ka, pwes, ipost mo dito sa thread na to para ma-educate din kami. Actually, chances are may ganitong mga ordinances na sa iba't ibang cities and municipalities sa buong Pilipinas eh, baka hindi lang naiimplement.

Wag ka mag-alala sa ordinance na ito kung hindi ka minor. Kung hindi ka minor at nag-aalala ka tungkol dito, please consult your guardian.

(Pls share para mabasa ng mga di na minor de edad na kailangan pang kunsultahin ang kanilang mga guardians...)
Back to top Go down
http://suertres.forumotion.com
 
GUIDE ON HOW TO SURVIVE DUTERTE'S "MARTIAL LAW"
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» guthans guide
» ___A Guide to Ranging Mithril Dragons___
» Basic Guide for slayer task monsters
» Weekly Episode guide and have you ever wanted to..?
» Anti LAG guide

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
SUERTRES LOTTO FORUM  :: Politics-
Jump to: