Mag-ingat po tayo sa mga illegal recruiter na may alok na trabaho sa Japan. Hindi po sila lisensyado at hindi rehistrado sa POEA ang kanilang mga employer at job orders.
Huwag rin pong maakit sa nagsasabi na milyon-milyon daw ang kinakailangang workers sa Japan. Basta't ang mahalaga po ay POEA-licensed ang recruiter at POEA-registered din ang employer at job order nito.
Huwag din pong pumatol sa mga nag-aalok ng trabahong CAREGIVER. Ang POEA lang po, sa pamamagitan ng PJEPA/JPEPA (PHL/Japan Economic Partnership Agreement), ang maaring magsagawa ng recruitment para sa CAREGIVERS, at hindi ang mga pribadong recruiter.
Maging matalino, huwag magpaloko!