Admin Administrator
Posts : 3990 Reputation : 42 Join date : 2009-07-31 Location : Metro Manila
| Subject: TAMA LANG BA ANG TIMBANG MO? June 30th 2015, 8:33 am | |
| TAMA LANG BA ANG TIMBANG MO?
By Dr. Willie T. Ong (Please Share and TAG a friend)
Alam niyo ba ang tama ninyong timbang? May taong mukhang payat, pero ang taba ay nasa bilbil. May taong mabilog ang mukha, pero payat naman. Kung gusto ninyo na malaman kung mataba kayo o hindi, heto ang lista ng tamang timbang batay sa taas at kasarian. (See photo)
Halimbawa, kung kayo ay lalaki na may taas na 5 feet at 5 inches, ang tamang timbang mo ay 136 pounds lamang. Kung lumampas ka ng 10 pounds sa timbang na iyan ay tatawagin ka ng “overweight” ng iyong duktor. Ang ibig sabihin ay puwede kang magkasakit ng diabetes, arthritis at sakit sa puso. Kung sobra ka sa timbang, may ilang tips dito para magpapayat:
1. Iwasan ang mga sitsirya (junk foods), soft drinks at matatamis na inumin.
2. Kumain nang dahan-dahan para maramdaman ang pagkabusog at paunti-unti ring bawasan ang dami ng kinakain.
3. Kapag sobra sa timbang, ang tamang pagbabawas ng timbang ay 1-2 kilo lamang bawat buwan at hindi hihigit pa rito. Ang mga pildoras na pampapayat (diet pills) ay pansamantala lamang ang epekto.
4. I-rekord at bantayan ang iyong timbang habang patuloy na minamanmanan ang iyong kinakain.
5. Pumili ng ehersisyong kinasisiyahang gawin at isagawa ito ng mga 30 minuto, tatlo hanggang limang beses kada linggo. | |
|