SUERTRES LOTTO FORUM
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

SUERTRES LOTTO FORUM

DISCUSSION ON SUERTRES STRATEGY
 
PortalHomeSearchLatest imagesRegisterLog inPublications
=There's only one way to succeed in anything and that is to give everything=........."BET WHAT YOU CAN AFFORD TO LOSS... GOOD LUCK"............Getting rich is a fight; make no mistake about it. [ Happy Winning...(320-720) (854-651) (863-964) (910-610)]

 

 TAMANG PANGANGALAGA SA BATANG MAY LAGNAT

Go down 
AuthorMessage
Admin
Administrator
Administrator
Admin


Posts : 3990
Reputation : 42
Join date : 2009-07-31
Location : Metro Manila

TAMANG PANGANGALAGA SA BATANG MAY LAGNAT Empty
PostSubject: TAMANG PANGANGALAGA SA BATANG MAY LAGNAT   TAMANG PANGANGALAGA SA BATANG MAY LAGNAT I_icon_minitimeJune 12th 2015, 10:23 pm

TAMANG PANGANGALAGA SA BATANG MAY LAGNAT


Marahil isa sa mga nakakapagpaalala nang husto sa mga magulang ay ang pagkakaroon ng lagnat ng kanilang mga anak. Ang makita ang anak na nahihirapan at nanghihina dahil sa lagnat ay masakit para sa nagmamahal na magulang. Ngunit bago mag-panic at isugod sa ospital ang anak dahil sa simpleng lagnat, dapat alalahanin na ang sakit na ito ay pangkaraniwan lamang at madali namang malunasan.


BAKIT NAGKAKAROON NG LAGNAT?


Ang lagnat ay isang paraan ng katawan upang depensahan ang sarili mula sa impeksyon ng mga mikrobyo. Ang pagtaas ng temperatura ng katawan ay normal lamang na nagaganap upang mapatay ang mga bacteria at iba pang mga hindi kanaisnais na mikrobyo na nakapasok sa katawan. Walang dapat ikabahala ng husto sapagkat ito ay normal na proseso lamang na kadalasang nawawala din naman nang kusa pagkalipas ng 72 oras.




ANO ANG MGA SINTOMAS NG LAGNAT?




Ang pagkakaroon ng lagnat ay kadalasang nagdudulot ng ilang mga sintomas gaya ng sumusunod:
Temperatura na mas mataas kesa sa normal. Ang normal na temperatura ay 37°C.
Mabigat na pakiramdam
Pagkahilo
Pagsusuka
Pagkawala ng gana sa pagkain




KAILAN DAPAT LUMAPIT SA DOKTOR UPANG MAGPATINGIN?




Bagaman ang lagnat ay pangkaraniwan lamang at kadalasang gumagaling naman nang kusa, may mga pagkakataon na maaaring kailanganin nang lumapit sa doktor upang ipatingin ang kondisyon.
Pabalik-balik na lagnat
Sobrang taas na temperatura, na humihigit sa 40°C.
Pagkakaranas ng pagkokombulsyon.
Pagkakaranas ng iba pang sintomas gaya ng pagtatae, pagdurugo, matinding pananakit ng ulo at mga kasukasuan.




ANO ANG DAPAT GAWIN KUNG MAY LAGNAT ANG BATA?




Ang mga sumusunod na hakbang ay makatutulog upang mapangalagaan at mabilis na mapababa ang lagnat:
1. Pagpapainom ng paracetamol. Regular na painumin ng paracetamol ang bata hanggat mataas pa rin ang lagnat. Ang gamot na ito ay makatutulong upang mapababa ang mataas na temperatura. Siguraduhin ding tama ang paraan ng pag-inom ng gamot.
2. Paglalagay ng basang tuwalya (cold compress) sa noo. Makatutulong din ang paglalagay ng basang tuwalya sa noo ng batang may lagnat sa pamamagitan ng pagpapababa ng mataas na temperatura.
3. Painumin ng maraming tubig ang bata. Iwasang ma-dehydrate ang bata sa pamamagtian ng pagpapainom ng maraming tubig dito.
4. Punasan ang buong katawan ng bata (spong bath). Upang mapanatiling malisin pa rin ang pangangatawan ng bata at mapreskohan ang katawan, mainam na punasan ang buong katawan ng bata gamit ang tuwalya na binasa ang maligamgam na tubig.
5. Panatilihing presko ang suot na damit ng bata. Huwag pasusuotin ng makapal na damit o babalutin ng makapal na kumot ang bata kahit pa may panginginig itong nararanasan. Mas mainam pa rin na ang suot ng bata ay manipis lang, presko at komportable.




ANO ANG MGA HINDI DAPAT GAWIN KUNG MAY LAGNAT ANG BATA?




1. Iwasang painumin ng gamot na aspirin ang bata. Ang aspirin ay maaaring may hindi mabuting epekto sa kalusugan ng bata kung ipaiinom upang mapababa ang lagnat. Ang paracetamol ang mas mainam na gamot para sa mga bata.
2. Huwag paiinumin ng iba’t ibang gamot para sa ibang karamdaman. Hanggat hindi pinapayo ng doktor, huwag basta-basta magbibigay ng gamot na para sa trangkaso, sipon, o ubo.
3. Iwasan pagpapaligo ng malamig na tubig o pagpupunas ng alcohol. Maaari lamang lumala ang kondisyon ng lagnat ng bata kung gagawin ang mga nabanggit.
4. Huwag magpapalit-palit ng pinaiinom na gamot. Hanggat hindi rin pinapayo ng doktor ang pagpapalit ng iniinom na gamot, iwasang palitan ang rekomendadong iniinom na gamot.
5. Iwasang balutin ng makapal na kumot ang bata. Mas mahalaga na mapanatiling komportable ang pakiramdam ng bata.
Back to top Go down
https://suertres.forumotion.com
 
TAMANG PANGANGALAGA SA BATANG MAY LAGNAT
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
SUERTRES LOTTO FORUM  :: Health & Safety Guide-
Jump to: