SUERTRES LOTTO FORUM
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

SUERTRES LOTTO FORUM

DISCUSSION ON SUERTRES STRATEGY
 
PortalHomeSearchLatest imagesRegisterLog inPublications
=There's only one way to succeed in anything and that is to give everything=........."BET WHAT YOU CAN AFFORD TO LOSS... GOOD LUCK"............Getting rich is a fight; make no mistake about it. [ Happy Winning...(320-720) (854-651) (863-964) (910-610)]

 

 SAKIT SA KIDNEYS: PAANO MALALAMAN

Go down 
AuthorMessage
Admin
Administrator
Administrator
Admin


Posts : 3990
Reputation : 42
Join date : 2009-07-31
Location : Metro Manila

SAKIT SA KIDNEYS: PAANO MALALAMAN Empty
PostSubject: SAKIT SA KIDNEYS: PAANO MALALAMAN   SAKIT SA KIDNEYS: PAANO MALALAMAN I_icon_minitimeJune 9th 2015, 10:21 pm

Padami ng padami ang mga Pilipinong nagkakasakit sa kidneys (bato). Ang hinala ng mga eksperto ay dahil sa pagkain ng mga fast foods, sitsirya at sobrang maaalat. Kahit ang mga kabataan ay nagkakasakit na rin sa kidneys.


Paano ba natin malalaman kung nasisira na ang kidneys?
1. Tingnan ang iyong risk factors - Kung mayroon kang diabetes o altapresyon (high blood pressure), kailangan mong bantayan maigi ang iyong kidneys. Ang diabetes at altapresyon ay nakasisira sa kidneys pagkaraan ng 5 taon pataas. Bantayan at i-kontrol ang antas ng iyong blood sugar at blood pressure. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng diyeta, ehersisyo at pag-inom ng maintenance na gamot.


2. Huwag maghintay ng sintomas (symptoms) – Kadalasan ay walang nararamdaman ang mga taong may sakit sa kidneys. Kapag may kidney failure na, humihina na ang daloy ng ihi. Huwag nating paabutin sa ganitong kondisyon bago magpagamot.


3. Magpasuri ng Urinalysis - Makikita sa urinalysis kung may impeksyon, may dugo o may protina sa ihi. Kapag nag-positibo sa albumin (isang protina) sa urinalysis, ay maaaring may sakit na sa kidneys. Magpatingin sa isang kidney specialist.


4. Magpa-check ng Creatinine sa dugo – Kapag mataas ang iyong creatinine level, ang ibig sabihin ay posibleng may sira na ang iyong kidneys. Kadalasan ay tumataas lamang ang creatinine kapag may 50% damage ang kidneys. Huwag ito balewalain. Magpatingin agad sa doktor.


Para mapangalagaan ang iyong kidneys, sundin ang mga payong ito:
1. Bawasan ang alat sa pagkain.
2. Limitahan ang protina sa pagkain. Mas kumain ng isda, gulay at prutas.
3. Limitahan ang pag-inom ng pain relievers (gamot sa kirot). Huwag lalampas sa isang linggo ang pag-inom.
4. Uminom ng 8 basong tubig bawat araw.
5. Ang pinakamahalagang payo sa lahat: Uminom ng gamot para makontrol ang iyong altapresyon at diabetes. Kumonsulta sa doktor para malaman ang tamang gamutan sa iyo.
Back to top Go down
https://suertres.forumotion.com
 
SAKIT SA KIDNEYS: PAANO MALALAMAN
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Gamot sa sakit na LEUKEMIA
» Common habits that can damage you kidneys

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
SUERTRES LOTTO FORUM  :: Health & Safety Guide-
Jump to: